^

Bansa

13-15 anyos dumanas ng repeat pregnancy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naitala ng Commission on Population and Development (CPD) na mahigit 22,000 kababaihan na edad 13-15 ang dumanas ng paulit-ulit na pagbubuntis o repeat pregnancy.

Bagama’t naging dahilan ang ­pandemya ng COVID-19 sa paglobo ng mga kaso ng maagang pagbubuntis, binigyang diin naman ng CPD ang papel ng kultura sa mga komunidad.

Halimbawa, napipilitang magsama sa ilalim ng isang bubong ang isang batang ina at ang nakabuntis sa kanya.

Ayon pa sa CPD, maaa­ring senyales ng pang-aabuso ang malaking pagitan ng edad sa isang batang babae at ng nakabuntis sa kanya.

Dahil dito kaya nanawagan si Sen. Win Gatcha­lian na ipatupad nang mahigpit ang mga batas na layong protektahan ang mga batang babae mula sa pang-aabuso o karahasan.

Isa na rito ang Republic Act No. 11596 na nagbabawal sa child marriages, kung saan ang isa o higit pa sa mga ikinasal ay menor de edad. Binibigyan din ng proteksyon ng batas ang mga 18 taong gulang pataas na walang kakayahang alagaan o protektahan ang kanilang mga sarili sa pisikal o mental na kalagayan. Ipinagbabawal din ng naturang batas ang pagsasama ng isang bata at isang nakatatanda na hindi kasal. Itinaas naman ng RA 11648 ang age of sexual consent mula 12 hanggang 16.

CPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with