^

Bansa

Deadly bacterial Infection sa Japan, meron na sa Pinas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng isang infectious diseases expert na nakapagtala na rin ang Pilipinas ng mga kaso ng streptococcal toxic shock syndrome (STSS), na isang deadly bacterial infection na kasalukuyang tumataas sa Japan.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, base sa clinical experience, ilang kaso na ng STSS ang natukoy sa Pilipinas.

Sa Japan aniya, umabot na ang kaso sa 900-1,000.

“Meron na rin tayong nakikita dito sa Pilipinas. Pakonti-konti lang pero mabilis talaga ‘yan,” ayon kay Solante, sa panayam sa Super Radyo dzBB.

Ipinaliwanag ni Solante na ang STSS ay sanhi ng isang common bacteria na nagdudulot ng pharyngitis o pamamaga ng pharynx.

Gayunman, ang natu­rang bacteria ay nagreresulta rin aniya sa isang rare o bihira ngunit malalang kumplikasyon kung kakalat sa daluyan ng dugo.

Nagsisimula aniya ang naturang impeksyon sa balat.

“‘Yung mga may sugat tapos papasukan ‘to ng mikrobyo, pupunta sa dugo. ‘Pag pumunta na ‘yan sa dugo, systemic na ‘yan, buong katawan mo… Napaka-bangis nitong bacteria, ‘yung Group A Streptococcus Pyogenes,” paliwanag ni Solante.

Ang STSS ay may mataas na mortality rate na nasa 30%. Nangangahulugan aniya ito na ang isang infected person ay maaaring mamatay sa loob lang ng 24-oras, mula sa paglabas ng sintomas nito.

Kabilang sa mga sintomas ay lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, at pagsusuka.

Maaari ring magkaroon ng pangingitim ng sugat, na malaunan ay maa­aring ­magresulta sa low blood pressure at hirap sa ­paghinga.

Ang mga taong mahihina ang immune system o resistensiya, ang dinadapuan ng naturang sakit.

Kabilang na rito yaong matatanda, may diabetes at chronic renal failure.

Pinayuhan ni Solante ang vulnerable population na maging maingat upang makaiwas sa sakit. Maaari aniyang magsuot ng face masks at palagiang maghugas ng kamay.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with