^

Bansa

Mayor Guo, pamilya ipinapa-subpoena ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mayor Guo, pamilya ipinapa-subpoena ng Senado
In this Facebook post on May 30, 2024 shows Mayor Alice Guo meeting the winners and participants of the Bamban Battle of the Bands Poster Making Contest.
Facebook / Mayor Alice Leal Guo

MANILA, Philippines — Ipinapa-subpoena na ng Senado si Bamban Mayor Alice Guo at ilang miyembro ng kanyang pamilya matapos hindi makadalo sa pagdinig kahapon ng Senado.

Ipinag-utos ni Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng komite ang pagpapalabas ng subpoena matapos isnabin ni Guo ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa kanyang nasasakupang lugar.

Pinatawag na komite ang ama ni Mayor Guo na si Jian Zhong Guo, biological mother nitong si Lin Wen Yi, at mga kapatid na Shiel, Seimen at Wesley Leal pero lahat sila ay hindi dumalo sa pagdinig.

Bukod dito, pinapatawag din ng komite si Nancy Gamo, accountant at siyang namamahala sa paghahain sa mga dokumento ng mga negosyo ng pamilya Guo.

Sa sulat ni Guo sa komite, sinabi nito na hindi siya “fit” na dumalo sa pagdinig bilang resource person.

Sinabi pa ni Guo na naapektuhan na ang kanyang physical at mental health dahil sa mga isyung ibinabato sa kanya at sa sobrang stress.

“Truth be told, my exposure to prolonged stress and high level of anxiety, owing to the concerning and malicious accusations thrown against me, have adversely affected and caused serious impact on my physical and mental health,” ani Guo.

Ipinaalala rin ni Guo sa komite na isinailalim na siya ng Office of the Ombudsman sa anim na buwang preventive suspension habang pending ang mga kinakaharap niyang admi­nistrative charges.

Na-deny rin aniya ang kanyang mosyon na tanggalin ang preventive suspension na may petsang Hunyo 10, 2024.

Idinagdag ni Guo na napakarami ring sulat ang ipinadala sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanyang mga “legitimate businesses.”

Sinampahan na siya ng kasong kriminal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng non-bailable offense na human trafficking.

Humingi ng paumanhin si Guo sa komite dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with