^

Bansa

Future leaders, lilitaw sa ROTC Games

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na lilitaw ang mga susunod na lider ng bansa mula sa isinasagawang Mindanao qualifying leg ng Philippine ROTC (Reserved Officers ­Training Corps) Games at sa katatapos na Miss ROTC pageant.

Sinabi ni Tolentino na ang ROTC Games, na nasa ikalawang taon na ngayon, ay nagsisilbing honing ground para paunlarin ang leadership skills, talento, at nasyonalismo sa mga kabataan.

“Natitiyak ko na ang mga magiging pinuno ng ating bansa ay lalabas mula sa hanay ng ating mga kadete-atleta ngayon,” sabi ng senador.

“Ang kanilang kakaibang karanasan sa mga palaro at ang kanilang pagsasanay at disiplina sa ilalim ng ROTC program ay makatutulong sa kanila na maging responsableng mamamayan na maglingkod sa ating bansa,” dag­dag ni Tolentino.

“Hinihikayat ko ang ating mga kabataan na isaalang-alang at magboluntaryo para sa programa ng ROTC,” sabi ng senador na punong may-akda ng Senate Bill 2034, na naglalayong ga­wing mandatoryo ang ROTC sa loob ng dalawang taon sa mga mag-aaral sa tertiary at vocational, kapwa  sa public at private higher learning institutions.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with