^

Bansa

Chinese warship umaaligid na sa Mindanao

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Chinese warship umaaligid na sa Mindanao
Ito’y kasunod ng namonitor na apat na warship ng China sa Basilan Strait kamakailan ng Armed Forces of the ­Philippines (AFP) na kinumpirma ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO ) Chief Col. Xerxes Trinidad.
PCG / File

MANILA, Philippines — Umaaligid na ang Chinese warship sa ­Mindanao Region matapos itong mamataan ng grupo ng mga mangingisda.

Ito’y kasunod ng namonitor na apat na warship ng China sa Basilan Strait kamakailan ng Armed Forces of the ­Philippines (AFP) na kinumpirma ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO ) Chief Col. Xerxes Trinidad.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala ang Kilusang Artisanong Mangingisda sa Pilipinas (KAKAMPI) na sila ang maging susunod na target ng mga Chinese Coast Guard ( CCG) na itaboy sa sariling teritoryo.

Sa isang pahayag ni Roberto Ballon, pinuno ng KAKAMPI sa Mindanao, malayang nakakapagla­yag ang mga Chinese warships sa Mindanao Region habang ipinagtatabuyan naman ang mga kapwa nila mangingisda sa WPS.

Ayon kay Ballon, nangangamba silang baka sila naman ang pagdiskitahang itaboy ng CCG kaya nais din nila ng kasiguruhan sa pamahalaang nasyonal na mabigyan sila ng proteksiyon.

“Natatakot ‘yung mga kapwa natin mangi­ngisda na baka dumating ang panahon na kami naman ang itaboy ng mga Chinese, hindi na kami makapaglayag sa sarili nating karagatan para makapangisda,” ani Ballon.

KAKAMPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with