^

Bansa

DOLE: 22K Pinoy, mawawalan ng trabaho sa POGO ban sa NCR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOLE: 22K Pinoy, mawawalan ng trabaho sa POGO ban sa NCR
File photo shows a typical office of a licensed Philippine Offshore Gaming Operator or POGO.

MANILA, Philippines — Aabot sa 22,000 Pinoy ang maaaring mawalan ng trabaho, sakaling matuloy ang panukalang i-ban na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Sa panayam sa radyo (dzBB), sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ito ang mala­king hamon na kakaharapin ng bansa kung tuluyang magsasara ng operasyon ang mga lehitimong mga kumpanya ng POGO.

 Ayon kay Laguesma, noong nakaraang taon ay nag-inspeksiyon sila sa lahat ng kumpanya ng POGO na legal na nag-o-operate sa National Capital Region (NCR).

Base aniya sa nasabing inspeksiyon, nangalap sila ng datos para sa profiling ng mga manggagawa na posibleng maapektuhan ng ban.

Isinagawa aniya ito ng pamahalaan upang matukoy kung anong uri ng interbensiyon ang maaaring ipagkaloob ng DOLE kung sakaling matuloy ang closure ng mga naturang kumpanya.

Prayoridad rin umano nila sa profiling ang mga manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa may 50 legitimong POGO companies sa Metro Manila.

Aniya pa, may mga POGO hubs din sa mga lalawigan, partikular na sa Central Luzon, ngunit hindi rehistrado ang mga ito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ikinukonsiderang ilegal.

Matatandaang isinusulong ng mga mambabatas ang pag-ban sa POGO sa bansa kasunod na rin ng ilang katiwalian at krimeng iniuugnay dito.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with