^

Bansa

21 Pinoy seaman na inatake sa Houthi, nakauwi na

Mer Layson, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
21 Pinoy seaman na inatake sa Houthi, nakauwi na
Balik-Pinas na ang 21 Pinoy seafarers na sakay ng MV Tutor na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea noong Hunyo 12. Dumating kahapon ang mga seafarer sa NAIA Terminal 3 lulan ng Gulf Air mula Bahrain kung saan sila sinalubong ng mga opisyal ng DFA, DMW, DOH at OWWA.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa Pilipinas kahapon ang 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa MV Tutor, na inatake ng mga rebeldeng Houthi kamakailan.

Ang mga naturang Pinoy seafarer ay sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Health (DOH) sa kanilang pag­dating sa bansa.

Lulan sila ng isang flight mula sa Bahrain Airport, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa DMW, ang mga tripulante ay tatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng P230,000.

Nabatid na P50,000 mula sa nasabing ­halaga ay mula sa DMW; P150,000 ang mula sa House of Representatives; P10,000 ang mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) at P20,000 ang mula sa Department of Social Welfare and ­Development (DSWD).

Una na rin naman silang tumanggap ng tig-192 Bahraini Dinars, na katumbas ng P30,000 bago umuwi ng Pilipinas.

Matatandaang Hunyo 12 nang mawasak ang MV Tutor matapos ang double missile attack ng mga rebelde sa Red Sea.

Kaagad namang nasagip ang 21 tripulante na sakay nito, habang nawawala ang isa pa.

DOH

SEAFARERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with