Barko na may Pinoy seafarers inatake ng Houthi rebels
MANILA, Philippines — Umapela ng tulong at rescue ang mga Pinoy seafarers matapos atakihin ng mga rebeldeng Houthi ang MV Tutor, isang kargamento na pagmamay-ari ng Greece habang binabagtas ang Red Sea.
Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes ang pag-atake ng mga rebelde pero hindi isiniwalat kung ilang Pinoy seafarers ang sakay ng barko.
Tiniyak ng DFA sa isang pahayag na gagawin ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga tripulanteng Pilipino.
“The Philippine government will take all necessary measures to secure the safety and well-being of the Filipino crew on board and ensure justice,” anang DFA.
Nanawagan din ang DFA sa mga bansang kasapi ng United Nations na protektahan ang karapatang pantao ng mga marino.
“We call on all UN member states to protect the human rights of seafarers,” anang DFA.
Napaulat na isang Emerson Loria, na tripulante ng MV Tutor ang umapela ng tulong sa gobyerno at nagsabi na 22 Filipino seafarers ang sakay ng cargo ship kabilang ang kapitan.
- Latest