FL Liza nagpaliwanag sa pag-inom sa wine ni Chiz
MANILA, Philippines — Nagpaliwanag na si First Lady Liza Araneta Marcos kaugnay sa kumalat na video sa social media sa pag-inom niya ng wine na hawak ni Senate President Chiz Escudero sa vin d’honneur sa Malakanyang Palace.
Sinabi ng Unang Ginang na bandang alas-10 ng umaga matapos niyang batiin ang may 82 ambassadors at iba pang international organization representatives ay pumasok sila sa ceremonial hall ng Pangulo.
Inakay aniya sila kung nasaan nakatayo sina Escudero at House Speaker Martin Romuldez.
Ayon sa Unang Ginang, nang makita siya ni Escudero ay sinabihan siya nito na “Wow bilib din ako sa’yo, may energy ka pa after standing and smilling for over an hour at “I’m sure you could use a drink”.
Tinawanan lang aniya si Escudero ni FL Liza at nagsabing “You bet”.
“I laughed and said, “You bet.” And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him, “Eww hindi naman malamig ang champagne.” After that, I gave his champagne glass back to him and we both had a good laugh over that,” kuwento pa ng First Lady.
Sa tingin ni FL Liza, umabot ang palitan nila ng usapan ng Senate President ng 10 segundo.
Kilala aniya ng Unang Ginang si Escudero simula pa noong law school days nila kung saan sa Ateneo siya nag-aral habang sa UP naman si Escudero.
“I’ve known Chiz since my law school days, he studied in UP and I went to Ateneo, we’ve been friends for like, forever. So whether I made him a waiter and or, he responded “like a gentleman,” is between us,” giit pa ng First Lady.
- Latest