^

Bansa

Bong Go: Ipaglaban kalayaan mula sa kahirapan, hamon sa kalusugan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Sen. Christopher “Bong Go” sa mga Pilipino na pagnilayan ang walang hanggang kahalagahan ng Araw ng Kalayaan para sa bawat Pilipino.

Binigyang-diin ni Go ang patuloy na kaugnayan ng mga sakripisyong ginawa ng ating mga ninuno at ang patuloy na mga hamon na kinakaharap ng bansa.

“Sa pagdiriwang natin sa ika-126 anibersaryo ng pagkakadeklara ng kalayaan ng Pilipinas, kinakailangan na maunawaan ng bawat Pilipino ang tunay na diwa ng Araw ng Kalayaan,” ani Go.

Gayunpaman, binigyang-diin ni Go ang mga modernong hamon na patuloy na sumusubok sa kalayaan at dignidad ng bansa, kabilang ang kahirapan, kawalan ng trabaho, hindi pagkakapantay-pantay ng kita, at karapatan sa malayang pagpapahayag.

“Tulad ng mga bayani natin noon, sana ay patuloy nating isadiwa ang ating pagmamahal sa bayan, pagseserbisyo, at pagmamalasakit sa kapwa Pilipino sa araw-araw nating mga gawain,” anang senador.

Kilala bilang “Mr. Malasakit”, naniniwala si Go na ang paglilingkod nang may malasakit sa kapwa ay isang landas sa pagpapanatiling buhay ang diwa ng kalayaan.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with