^

Bansa

ACT Agri-Kaagapay, nakiisa sa parada ng Kalayaan 2024

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakiisa ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong ng kapakanan ng maliliit na magsasaka, mangingisda, at Indigenous peoples (IPs), sa idinaos na “Parada ng Kalayaan 2024” sa Luneta Grandstand, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kalayaan kahapon.

Ang Act-Agri Kaagapay ay may kabuuang 800,000 miyembro sa buong bansa ay sumusuporta sa iba’t ibang agricultural programs ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang palakasin ang agricultural production sa pamamagitan ng organikong pagsasaka, modernong mga kagamitan sa pagsasaka at mas mababang presyo ng lahat ng agricultural products.

Mismong si Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez, ang nanguna sa makulay na parada sa Luneta.

Si Rodriguez ay walang sawang bumibisita sa malalayong lalawigan at mga komunidad upang tumulong na mapataas ang kita ng maliliit na magsasaka at mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan, sa pamamagitan nang paglikha ng mga programang pangkabuhayan, gaya ng “Gunting at Suklay” at produksiyon ng organikong pataba.

Si Rodriguez ay isang civic leader na nagsusulong ng konstruksiyon ng mas maraming farm to market road para sa mas madali at direktang maipagbili ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga mamamayan.

vuukle comment

ACT AGRI-KAAGAPAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with