^

Bansa

Grade-6 ginahasa, pinatay sa damuhan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Grade-6 ginahasa, pinatay sa damuhan
Ang 11-anyos na Grade 6 student na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng hindi pa tinukoy na suspek sa Brgy. Sta. Clara, General Trias City, Cavite kamakalawa.
Photo: Gen Trias Police

CAVITE, Philippines — Matapos mawala ng may dalawang­ araw, natagpuang duguan­ at wala nang buhay sa masukal na lugar ang kata­wan ng isang Grade 6 pupil na posibleng ginahasa bago pinatay kamakalawa sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rheamae Be­tonio Moreño, 11-anyos, at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:00 ng umaga nang ma­­tagpuan ng isang residente na si Oscar Ballada Bovadilla ang nakahandusay na biktima sa masukal na lugar, sakop din ng Brgy. Sta Clara.

Sa salaysay ng saksi sa pulisya, nagtungo siya nasabing lugar upang ma­nguha ng mga kawayan nang bumulaga sa kanya ang bangkay ng batang es­tudyante na nakataas ang damit at nakababa ang pang-ibabang saplot nito.

Nauna rito, nagpost ang ama ng biktima sa kanyang Facebook page na humihingi ng tulong na mahanap ang kaniyang anak na da­lawang araw nang hindi umuuwi.

Ayon kay PLt. Col Jose Naparato Jr, may “lead” na umano sila sa pagkakaki­lanlan ng suspek subalit tumanggi muna siyang pa­ngalanan habang nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon at follow-up operation sa kaso.

vuukle comment

GEN. TRIAS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with