Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy
MANILA, Philippines — Ipapadala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialiation and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagtungo sa Malakanyang si Ukrainian President Vlodymyr Zelenskyy para personal na imbitahin si Pangulong Marcos sa nasabing conference.
Hiningi rin ni Zelenskyy ang tulong ng Pilipinas para sa mental health professional dahil karamihan sa kanilang mga sundalo at sibilyan ay nangangailangan ng mental wellness dulot na rin ng patuloy na giyera sa Russia.
Ang peace summit ay gaganapin sa Hunyo 15-16 sa Switzerland kung saan inaasahan na ang Ukraine ay gagawa ng isang draft resolution para matapos na ang 28 buwan na giyera sa Russia.
Inaasahan naman na 90 mga bansa ang dadalo sa Ukraine peace conference sa Lucerne.
- Latest