^

Bansa

CAAP ‘di na sisingilin rebooking fees ng airline passengers na apektado ng Mt. Kanlaon eruption

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ N. Tolentino ang Civil Avia­tion Authority of the Philippines (CAAP) na tiyaking hindi na sisingilin muli ang lahat ng pasahero ng airline na naapektuhan ng mga kanselasyon ng flight dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.

Sa panayam sa daily morning program ni Tolentino na “Usapang Tol”, tiniyak ni CAAP spokesperson Eric Apolonio sa senador na ang rebooking fees ay hindi na sisingilin para sa lahat ng apektadong pasahero.

Ikinagalak ni Tol ang katiyakang ito at binigyang-diin ang kahalagahan ng agarang maipaa­lam sa mga apektadong pasahero ang tungkol sa waiver.

“Ayun, magandang balita. Ituloy lang natin ‘yung no rebooking fees, yung walang penalty,” anang senador sa programa.

“Naipaalam na ba sa lahat ng kukuha ng tic­ket ‘yan?” tanong niya sa opisyal ng CAAP.

Sumagot si Apolonio na mayroong mga help desk sa mga paliparan upang tulungan ang mga pasahero sa muling pag-book ng kanilang flight nang walang anumang bayad.

CAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with