^

Bansa

Akapulko mabisa sa mga sakit sa balat

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Akapulko mabisa sa mga sakit sa balat
Nitong Biyernes, Hunyo 7, nang ihayag ng nasabing research group na nakagawa sila ng herbal lotion laban sa skin fungal infection gamit ang Akapulco plant.
pchrd.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Napatunayang mabisa sa mga sakit sa balat ang “Akapulko” plant na gamit ng mga albularyo, ayon sa pag-aaral ng University of the Philippines Manila’s National Integrated Research Program on Medi­cinal Plants (NIRPROMP).

Nitong Biyernes, Hunyo 7, nang ihayag ng nasabing research group na nakagawa sila ng herbal lotion laban sa skin fungal infection gamit ang Akapulco plant.

Sinabi ni Institute of Herbal Medicine - National Institutes of Health (IHM-NIH) Director Dr. Cecilia Maramba-Lazarte na solusyon ang nasabing lotion bilang alternatibo sa paggamit ng Azole na epektibo sa paggamot sa mga impeksyon sa balat.

“One solution to this problem is the use of Senna alata, more commonly known as Akapulko,” ani Dr. Maramba-Lazarte.

Ang Akapulko ay may taglay na phytochemical, kabilang ang chrysophanic acid at anthraquinones, na nagpapakita ng malakas na aktibidad na antifungal laban sa Epidermophyton, Microsporum, Trichophyton, at Penicillium.

Sinabi ni Lazarte na ang bisa ng paghahanda ng Akapulko ay nasukat sa mga resulta ng pitong randomized controlled trials sa 726 pasyente.

Apat na clinical trial din ang isinagawa gamit ang NIRPROMP-IHM formulation, na nagatala ng 461 pasyente.

Ipinakita ng mga pagsubok na ito na ang mga paghahandang naglalaman ng Akapulko ay ka­sing-bisa ng mga synthe­tic na antifungal na paggamot na naglalaman ng 25 porsiyentong sodium thiosulfate, ketoconazole, o terbinafine cream.

MEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with