^

Bansa

Aktibidad ng Kanlaon, patuloy sa paghina

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagbaba ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa Negros makaraang pumutok ito noong gabi ng Hunyo 3.

Gayunman, sinabi ni Director Teresito Bacolcol ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagbaba ng ikinikilos na aktibidad ay hindi naman garantiya na maaari nang maibalik sa Alert Level 1 ang bulkan mula sa kasalukuyamg Alert level 2 status.

Sa nakalipas na 24 oras, ang Kanlaon ay nagtala lamang ng 14 volcanic earthquakes, mas mababa ito sa 27 at 53 volcanic quakes na naitala mula June 4-5 at mula June 5-6.

“Four days pa lang since Kanlaon Volcano erupted, so we really have to check this every day and then observe this for a longer period, at least two weeks,” sabi ni Bacolcol.

Nagluwa naman ng 1,412 tonelada ng asupre ang bulkan at naglabas ng plume na may taas na 2,000 metrong taas pa­puntang hilagang silangan at timog silangang direksiyon ng bulkan.

Patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4-km permanent danger zone at pagpapalipad ng anumang aircraft sa may bunganga ng bulkan dahil sa banta nang muling pagsabog.

vuukle comment

BACOLCOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with