Mt. Taal naglalabas ng volcanic smog
Publiko pinag-iingat
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Philippine Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) ang publiko lalo na ng mga residente sa paligid ng Bulkang Taal na mag-ingat sa volcanic smog.
Kasunod ito nang namonitor na paglabas ng makapal na volcanic smog mula sa bunganga ng bulkan. Ang smog ay nakakaapekto sa kalusugan ng tao oras na malanghap ito.
Kaugnay nito, nakapagtala din ang Taal ng pagluwa ng 11,072 metriko tonelada ng asupre mula sa main crater ng bulkan, mas madami ito kaysa sa 8,294 metric tons ng asupre kada araw na naitala kamakailan.
Apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal ang Batangas City at iba pang lugar sa lalawigan ng Batangas sa Alitagtag, Tingloy, San Nicolas, Laurel, Taysan, Lobo, Lemery, Taal, Santa Teresita, Cuenca, Lipa, Balete at Malvar.
Patuloy namang pinagbabawal ng Phivolcs ang paglapit ng sinuman sa loob ng Taal Volcano island dahil sa banta ng preatic explosion, ashfall at expulsion ng volcanic gas.
Ang Taal ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1.
- Latest