^

Bansa

Pangulong Bongbong Marcos bumisita sa Bicol, namahagi ng ayuda

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay - Libu-libong mga Bicolano ang nakinabang sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bicol kahapon matapos siyang personal na mamahagi ng ayuda sa mga magsasaka, mangingisda at naghihirap na pamilyang Bicolano na naapektuhan ng nakalipas na tagtuyot sa rehiyon.

Kasama ng Pangulo sa pagbibisita ang ilang miyembro ng kanyang mga Gabinete na sina DILG Sec.Benjamin Benhur Abalos Jr., DAR Sec. Conrado Estrella, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Sec Francisco Tiu Laurel Jr. ng Department of Agriculture at House Speaker Martin Romualdez.

Masayang sinalubong ang grupo ng Pangulo ng mga mamamayan sa pangunguna ng mga lokal na opisyal, alkalde, congressman at gobernador ng anim na lalawigan sa Bicol region.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang Camarines Sur kung saan katuwang si Sec. Estrella ay namigay siya ng mga land titles sa mga benipisyaryo mula sa ibat-ibang bayan ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ng DAR.

Kasunod nito, bumiyahe si Marcos sa Albay, at sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolks and Families program (PAFF) at AKAP (Ayuda sa Kapos ang Kita Program) ay namahagi siya ng tig-P10,000 ayuda sa may limang libong magsasaka at mangi­ngisda mula sa Sorsogon, Catan­duanes at Masbate.

Sa talumpati ng Pa­ngulo, sinabi nito na P50 milyon ang inihanda ng kanyang gobyerno upang ipamahagi sa mga hirap na mangingisda at magsasaka sa naturang mga lalawigan.

Bukod dito ay namahagi ang Pangulo ng mga binhing pananim, fertili­zers at farm machineries sa mga magsasaka at fiber banca, at iba pang gamit para sa mga mangingisda.

Lahat ng dumalo ay binigyan pa ng tig-5 kilong bigas.

BICOLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with