GMA dumalo sa Serbisyo Fair ni PBBM sa Davao, Alvarez no show
MANILA, Philippines — Tagum City, Davao del Norte - Sa kauna-unahang pagkakataon dumalo si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tagum City, Davao del Norte nitong Biyernes.
Sa kabila nito “no show” naman si dating House speaker Pantaleon Alvarez mula sa 1st District ng nasabing lalawigan. Si Alvarez ay una ng pinatawan ng “censure” ng Kamara dahilan sa panawagan nito na magbitiw na sa puwesto si Pangulong Marcos.
Ang BPSF ay dinaluhan ng mahigit 168 Kongresista sa Kamara na suportado ang nasabing programa ng ayuda ng pamahalaang Marcos para makapaghatid ng serbisyo at tulong sa mamamayan partikular na ang mahihirap.
Ang BPSF ay nakapaghatid na ng bilyong halaga ng tulong sa aabot na sa 19 rehiyon sa buong bansa kabilang na ang ayudang pinansiyal at tulong pangkabuhayan.
Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez. ang makasaysayang event na dinaluhan ng 250,000 katao sa Tagum City.
Nagpaabot ng pasalamat si Romualdez sa mga lokal na opisyal at pamahalaang lokal sa matagumpay na Serbisyo Caravan.
“Lubos po ang ating kagalakan sa dami ng mamamayang na-serbisyuhan ng Bagong Pilipinas Fair na hatid ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr. sa Davao del Norte,” sabi ni Romualdez.
- Latest