^

Bansa

Gobyerno, patuloy sa pamimigay ng kabuhayan sa mahihirap – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno, patuloy sa pamimigay ng kabuhayan sa mahihirap – Tulfo
Ayon kay ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ito ang isa sa mga programa ng pamahalaan bilang tugon sa kahirapan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bukod sa mga ayuda patuloy din ang pagbibigay ng gobyerno ng kabuhayan sa mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay ACT-CIS at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, ito ang isa sa mga programa ng pamahalaan bilang tugon sa kahirapan.

Mahigit sa 600 indibidwal na mula sa iba’t-ibang bahagi ng Cebu pro­vince at higit 300 naman na mga Boholano ang nabigyan ng puhunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes at Biyernes.

Sina Tulfo at ACT-CIS Cong. Edvic Yap ay inanyayahan ng DSWD Region 7 bilang mga panauhin sa nasabing pamimigay ng pangkabuhayan ng ahensya.

Ayon kay Cong. Tulfo, “ito po ang isa sa mga pangako ni Pangulong Marcos na walang maiiwan dahil sabay-sabay tayong babangong muli sa pamamagitan ng pagbibigay nga ng pagkakakitaan ng mga taong ito”.

Ang pagbibigay ng DSWD ng pangkabuhayan ay nakapaloob sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.

Nsa P15,000 ang natanggap na “seed money” ng bawat indibidwal mula sa mahihirap na komunidad base sa listahan ng DSWD.

Pinasalamatan din ni Tulfo si DSWD Rex Gatchalian dahil sa patuloy ang pag-aasikaso ng opisyal sa mga mahihirap ng mga Pilipino saan mang sulok ng bansa.

Daan-daang milyon ang inilalaan ng Kongreso sa DSWD para sa SLP alinsunod sa utos ni Speaker Romualdez na isa sa mga programa naman ng Marcos administration.

ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with