Brunei, Singapore trip ni Pangulong Marcos tagumpay
MANILA, Philippines — Naging matagumpay at mabunga ang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brunei at working visit sa Singapore.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang pag-uwi sa bansa kung saan dala nito ang mga kasunduan sa mahahalagang sektor, at pinaigting na pagtutulungan kasama si His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah at business leaders ng bansa.
Dakong alas-3:58 ng umaga kahapon nang dumating si Pangulong Marcos sa Villamor Air Base sa Pasay mula Singapore.
“Ang pangako ko sa lahat ng Pilipino, gagamitin natin ang bawat pagkakataon at patuloy na magtayo ng mga tulay na magtitiyak ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa ating rehiyon,” sabi ni Pangulong Marcos.
Sa pagbisita sa Brunei, sinabi ng Pangulo na nakipagpulong siya kay His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah at tinalakay ang estado ng 40 taong gulang na bilateral na relasyon sa pagitan ng kanilang mga bansa.
Ang Pilipinas at Brunei ay nagpanday ng tatlong memorandum of understanding (MOU) sa Tourism Cooperation, International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW), at sa Maritime Cooperation.
Iniulat din ni Marcos na nagsimula siya sa isang working visit sa Singapore kung saan nakipagpulong siya kay Pangulong Tharman Shanmugaratnam at bagong hinirang na Punong Ministro na si Lawrence Wong.
Sinabi niya na tinanggap ni Pangulong Shanmugaratnam ang kanyang imbitasyon para sa kanya na bumisita sa Pilipinas sa Agosto.
Bago bumalik sa Maynila, naghatid ng pangunahing mensahe si Pangulong Marcos sa IISS-Shangri-La Dialogue kung saan ipinaliwanag niya ang mga katotohanan at patuloy sa kasalukuyang sitwasyon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng Indo-Pacific.
“Bilang isang responsableng miyembro ng internasyonal na komunidad, sinamantala ko ang pagkakataon ng Shangri-La Dialogue upang sabihin sa mga kinatawan ng hindi bababa sa 48 na bansa sa harap ko na ang mga linya na iginuhit natin sa ating mga katubigan ay hindi nagmula sa imahinasyon,ngunit mula sa internasyonal.
- Latest