^

Bansa

Extradition request vs Teves lusot na sa Timor Leste

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Extradition request vs Teves lusot na sa Timor Leste
This photo shows a picture of expelled lawmaker Arnolfo Teves Jr. being arrested by Timor-Leste law enforcement in Dili, East Timor.
Polícia Científica e de Investigação Criminal / Facebook

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na lusot na sa Ministry of Justice ng Timor Leste ang extradition request ng  gobyerno ng Pilipinas para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves.

Gayunman, sinabi kahapon ni DOJ spokeperson , Asec Mico Clavano na hindi pa masasabi kung kelan mapapauwi ng bansa si Teves na nahaharap sa patung-patong na kaso kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Go­vernor  Roel Degamo noong Marso 4, 2023.

Hinihintay pa aniya ng DOJ ang magiging desisyon ng Court of Appeals ng Timor sa extradition request.

Pinaghahandaan na ng DOJ ang pagpapauwi sa oras na magpasiya na ang Timor, Leste dahil naipasa na naman ng Ministry of Justice ang request sa CA doon.

“Preparations is on the way, hinihintay pa namin ang Court of Appeals doon sa Timor Leste dahil pinasa na ng Ministry of Justice ang ating request sa CA, yong proseso po kasi diyan, dadaaan po muna sa screening ng Ministry of Justice yong extradition request natin, pasado na po, finorward na po ang ating extradition request sa Court of Appeals,” ani Clavano.

Wala umanong magagawa ang DOJ kundi maghintay kung kailan lalabas ang desisyon ng CA sa nasabing request, at umaasa na lamang na sa mga susunod na linggo ay may resulta na ito.

ARNOLFO TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with