^

Bansa

Romualdez pinasalamatan Recto sa pagtupad sa kasunduan na ibaba taripa ng bigas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Finance Sec. Ralph Recto sa pagtupad nito sa kasunduan na ibaba ang ipinapataw na taripa sa bigas upang bumaba na ang presyo nito ng mas mababa pa sa P50 kada kilo.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos irekomenda ni Recto na ibaba sa 17.5% ang kasalukuyang 35% taripa sa imported na bigas.

Layunin ng pagbabawas sa taripa na matugunan ang mataas na presyo ng bigas na dulot ng mapagsamantalang trader, epekto ng El Niño, at mataas na halaga ng pandaigdigang gastos.

Noong nakaraang linggo ay nagpulong sina Romualdez at Recto, kasama sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., Customs Commissioner Bienvenido Rubio, at House Appropriations Committee Chair Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist para bumuo ng mga praktikal na solusyon para agad na maibsan ang mataas na presyo ng bilihin kasabay ng pagtiyak na kumikita ng tama ang mga lokal na magsasaka.

Isa sa mga napagkasunduan ay ang pansamantalang pagpapababa ng taripa ng bigas upang bumaba rin ang gastos ng mga trader.

Sa paraang ito, mas magiging abot kaya ang bigas ng hindi naman dehado ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa kabila naman aniya ng bawas sa taripa, siniguro ni Romualdez na patuloy na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), ang pondo na mula sa buwis na sinisingil salig sa Republic Act 11203 (Rice Tariffication Law).

Hanggang nitong Abril, batay sa datos ng DOF, umabot na ang koleksyon ng taripa sa imported na bigas sa P16 bilyon, lagpas sa minimum na P10 bilyon na ilalagay sa RCEF.

Makakaasa rin aniya ng buong suporta mula sa Kamara sa pagkamit ng hangarin ni Pangulong Marcos na maibaba ang presyo ng bigas at matiyak na sapat ang suplay nito.

vuukle comment

RALPH RECTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with