^

Bansa

DMW: 13 Pinoy ligtas matapos 'missile attack' ng Yemeni rebels

James Relativo - Philstar.com
DMW: 13 Pinoy ligtas matapos 'missile attack' ng Yemeni rebels
Forces loyal to the Huthi rebels in Yemen participate in a military parade on the occasion of the 34th National Day to commemorate Yemeni unity, in Sanaa, on May 22, 2024.
AFP/Mohammed Huwais

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na walang napano sa Filipino crew members na sakay ng isang barkong inatake diumano ng Houthi rebels nitong Martes.

Sinasabing dumaraan ang vessel malapit sa baybayin ng Hodeidah nang mangyari ang insidente.

"The Department of Migrant Workers (DMW) reports all thirteen (13) Filipino crew members and one Ukrainian seaman onboard a vessel attacked by Houthi rebels Tuesday, 28 May 2024, are safe," sabi ng kagawaran ngayong Miyerkules.

"The DMW was informed by the shipping company’s local manning agency (LMA) that the vessel, a bulk carrier, sustained some damage from four missiles launched by Houthi rebels as the ship was traversing the Yemeni coast near Hodeidah late yesterday afternoon (Manila time)."

 

 

Ipinagpapatuloy naman na sa ngayon ng naturang vessel ang kanilang biyahe patungo sa susunod na port of call.

Nakikipag-ugnayan naman na daw sa ngayon ang DMW sa naturang shipping at manning agencies, habang binabantayan ang kaligtasan at kondisyon ng Filipino seafarers.

"The DMW is also contacting the crew members' families to provide any assistance they may need," patuloy ng DMW.

"The manning agency has also informed the Department of Foreign Affairs (DFA) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), an attached agency of the DMW, of the incident."

'Pinasok ng tubig'

Bagama't hindi tinukoy ng DMW ang naturang vessel, iniulat ng Agence France-Presse (AFP) na napinsala ang isang merchant vessel malapit sa pantalan ng Hodeida matapos asintahin ng tatlong missles. Pinasok aniya ito ng tubig matapos ang pag-atake.

Sinabi ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) sa naturang ulat na hindi ito agad inako ng ng mga rebelde, ito matapos ang sunud-sunod na drone at missile strikes ng grupo laban sa Israeli-linked shipping.

Hindi ito ang unang beses na nagsagawa ng kahalintulad na pag-atake ang mga Houthi, na dati nang nagpahayag ng suporta sa mga Palestinong naiipit sa gulo sa gitna ng opensiba ng Israel sa Gaza.

Ngayong Mayo lang nang iulat ni DMW Secretary Hans Cacdac na ligtas ang 23 Pilipinong sakay ng isa pang vessel matapos ang hiwalay na missle attack habang naglalayag sa Red Sea.

Matatandaang dalawang Pilipinong mandaragat ang namatay sa kahalintulad na pag-atake ng Yemeni rebels habang dumaraan sa Gulf of Aden. — maya mga ulat mula sa Agence France-Presse 

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

HOUTHI

ISRAEL

PALESTINE

REBELLION

YEMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with