^

Bansa

‘Aghon’ naka-8 landfall: 4 sugatan

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Aghon’ naka-8 landfall: 4 sugatan
Rumagasa ang tubig-baha sa Laiya, San Juan, Batangas matapos na uma- paw ang isang ilog bunsod ng matinding mga pag-ulan dulot ng bagyong Aghon kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Walong beses tumama sa kalupaan ang bagyong Aghon habang kumikilos sa hilagang kanluran ng Eastern Visayas at Southern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometer per hour at bugso na 125 kph.

Sa pinakahuling ulat ng Office of the Civil Defense (OCD), apat katao ang kumpirmadong sugatan habang nasa higit 2,600 indibiduwal ang nasa mga evacuation centers.

Nasa 2,734 katao o 513 pamilya naman ang nasalanta ng bagyo.

Batay sa report ng OCD, dahil sa lakas ng  hangin napinsala ng bagyo ang nasa 21 kabahayan habang ang Regions 5 at 8 ay nakaranas ng power interruptions.

Matinding hinagupit ng bagyong Aghon ang lalawigan ng Quezon partikular sa mga bayan ng Dolores, Tiaong, San Antonio, Sariaya, Lucena at mga karatig bayan.

Bandang alas-11:20 ng gabi nitong Mayo 24 nang unang magland-fall si Aghon sa Homonhon Island sa Guiauan, Eastern Samar; nasundan ito nitong Mayo 25 (Sabado) sa Giporlos, Eastern Samar alas-12:40 ng mada­ling araw; Basiao Island, Catbalogan City, Samar alas-4 ng madaling araw.

Gayundin sa Cagduyong Island, Catbalogan City, Samar alas-5 ng umaga; Batuan, Masbate 10:20 ng umaga; Masbate City, Masbate 10:40 ng umaga at Torrojos, Marinduque alas-10 ng gabi.

Nasundan ito ng 4:30 ng madaling araw nitong Linggo (Mayo 26) sa Lucena City, Quezon.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa central at northern Quezon, Laguna at silangang bahagi ng Rizal at Batangas.

Signal No. 1 sa Metro Manila, timog silangan ng Isabela, katimugan ng Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, silangan at katimugan ng Nueva Ecija, katimugang Bataan, silangang bahagi ng Pampanga, Bulacan, Cavite, hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Rizal, Batangas at Quezon.

Sa pinakahuling forecast ng PAGASA, habang sinusulat ang balitang ito si Aghon ay posibleng mag-landfall muli sa Polilllo Islands Linggo ng gabi.

Sa report naman ng Philippine Coast Guard, nasa 6,338 pasahero, truck drivers at mga pahinante ang stranded sa lahat ng mga pantalan sa bansa.

Pansamantalang sinuspinde ng PCG ang lahat ng paglalayag upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.

Sa Miyerkules lalabas ng Philippine Area of ­Responsibility ang bagyong Aghon.

SOUTHERN LUZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with