^

Bansa

Presyo ng baboy sa pamilihan sumirit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng baboy sa pamilihan sumirit
A vendor arranges meat up for sale at Paco Public Market in Manila on February 1, 2024.
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan.

Ito ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP) ay dahil sa tumaas na farm inputs at production costs.

Sinabi ni PPFP president Rolando Tambago na ang farm-gate price ng baboy ay tumaas sa average na P210 per kilo o may dagdag na P120 per kilo hanggang P150 per kilo ng farm-gate price.

Anya sapat naman ang suplay ng karne ng baboy sa mga pamilihan pero tumaas lamang ang farm-gate price ng baboy dahil sa mataas na gastos sa farm inputs at transportation cost.

“Logistics and inputs are the problem, that’s why the price of pork is higher,” sabi ni Tambago.

Binigyang diin nito na dapat pag-aralan ng pamahalaan ang gap sa pagitan ng mga sakahan at retailers upang walang magmanipula sa halaga ng produktong baboy dahil sapat ang suplay nito sa bansa.

Pumapalo sa P320 hanggang P350 ang kada kilo ng karneng baboy sa ngayon sa mga pamilihan.

PORK

PRICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with