^

Bansa

Cotabato farmers na higit 20 taon nagsasaka, binigyan ng lupa ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pasa­salamat ang Cotabato farmers kay Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. dahil makalipas ang higit 20 taon ay ibinigay na sa kanila ang lupang kanilang sinasaka.

Kung hindi dahil kay Presidente Marcos, sinabi ni Nelson Oloy ng Lower Maculan, Lake Sebu na hindi maibibigay sa kanila ang kanilang lupa sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.

Tinanggap ni Oloy, na may 20 taon nang nagsasaka, ang kanyang land title mula sa Pangulo sa awar­ding event para sa Agra­rian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Koronadal City nitong Biyernes, Mayo 24.

“Mr. President, mara­ming-maraming salamat po sa inyong programa. Kung hindi dahil sa SPLIT prog­ram hindi namin matatanggap ang titulo sa araw na ito,” sabi ni Oloy.

Naghintay rin si Nolly Sumangil ng Barangay Supit, Titay ng 20 taon bago ibinigay sa kanya ng national government ang kanyang land title, at sinabing nagpapasalamat siya kina Presidente Marcos at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Nagpasalamat din ang provincial governors ng North at South Cotabato sa Pangulo sa pag-asang inihatid nila sa mga ARBs na matagal ding naghintay na mapasakanila ang lupang sinasaka.

“Ang araw na ito ay napaka-espesyal dahil ma­liban sa natanggap na ng mga magsasakang benepis­yaryo ang kanilang mga titulo, nagbigay din ito ng seguridad sa kanilang mga pamilya tungo sa isang magandang bukas,” dagdag ng Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

“Kami ay lubos na nagpapasalamat sa ating mahal na Pangulo. Ito ay pangarap ng mga taga-Mindanao. Ang rason na pumunta ang mga lahi namin na galing Luzon ay dahil sa lupa na mayroon ang Mindanao,” wika ni South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo.

Nilagdaan ni Presidente Marcos noong July 2023 ang New Agrarian Emancipation Act para sa benepisyo ng 610,054 Filipino farmers na nagsasaka sa mahigit 1.7 million hectares ng agrarian reform lands. Minamandato ng batas ang pagiging debt-free ng mga magsasaka mula sa agrarian arears na nagkakahalaga ng P57.65 million.

Sinabi ni Presidente Marcos na masaya siya na personal na ipamahagi ang land titles sa ARBs. Aniya, laging bibigyang prayoridad ng pamahalaan ang kapakanan ng mga magsasaka tulad ng nilalayon ng “Bagong Pilipinas.”

SPLIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with