^

Bansa

Alvarez pinatawan ng ‘censure’ ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatawan ng ‘censure’ o pinatatahimik na ng Kamara si dating Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez dahilan sa ‘disorderly behavior’ kaugnay ng panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-withdraw na ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr.

Sa botong 186 pabor, lima ang tumutol at pito ang abstain ay ibinaba ng Kamara ang hatol laban kay Alvarez base naman sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na ang orihinal na napagdesisyunan ay isuspinde ng 60 araw si Alvarez.

Gayunman, hinarang ito ni Camiguin Rep. JJ Romualdo na ibaba ang parusa kay Alvarez sa ‘censure’ na lamang sa halip na isuspinde matapos iginiit ng huli na ginamit lamang umano niya ang kaniyang ‘freedom of expression’ sa kaniyang nasabi bunga ng pagkadismaya sa gobyerno.

Una nang isinalang ng Ethics panel sa imbestigasyon si Alvarez dahil sa inasal nito dahilan bilang mambabatas ay dapat umanong maging ‘role model‘ ito.

Si Alvarez ang ikalawang mambabatas na pinatawan ng parusa ng Kamara sa ilalim ng 19th Congress kung saan ang una ay ang pinatalsik na si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with