^

Bansa

LPA posibleng maging bagyong 'Aghon' sa loob ng 24 oras

James Relativo - Philstar.com
LPA posibleng maging bagyong 'Aghon' sa loob ng 24 oras
Motorists and pedestrians experience sudden downpour brought by the easterlies or localized storms in Sampaloc, Manila on May 9, 2024.
Jesse Bustos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Hindi malayong maging bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA pagsapit ng Biyernes, bagay na maaaring mag-"landfall" sa Bicol Region o Eastern Visayas pagsapit ng weekend.

Bandang 10 a.m. ngayong Huwebes kasi nang mamataan ng state weather bureau ang naturang LPA 870 kilometro silangan ng Southeastern Mindanao.

"Bukas nang umaga o within 24 hours, tska po natin nakikita na ito ay mag-i-intensify o lalakas bilang isang tropical depression," ani PAGASA weather specialist Ana Clauren-Jorda kanina.

"Sa ating track, off-shore po ang sentro nito... Dahil medyo mahaba pa nga po 'yung ating forecast period, ay posible pa rin itong lumapit dito sa area po Bicol Region at Eastern Visayas [sa Sabado]. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin natin niru-rule out 'yung possibility na mag-landfall po ito sa mga nasabing lugar."

 

 

Sinasabing papalapit ngayon ang sama ng panahon sa Dinagat Islands, ilang lugar sa Surigao at CARAGA region. Tatawagin itong "Aghon" — ang unang bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility ngayong 2024 — oras na maging isang bagyo.

Nakararanas ng maaliwalas panahon sa ngayon ang maraming bahagi ng Pilipinas, ngunit posible pa rin ang mga panandaliang buhos ng ulan pagsapit ng hapon o gabi. Ito ay dahil sa umiiral pa rin na Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Maaaring maging severe tropical storm

Sa intensity forecast ng PAGASA sa ngayon, nakikitang papalakas ang naturaang LPA dahil sa matagal itong mananatili sa dagat.

"Pagdating po ng Sunday ay posible po itong mag-intensify at maging isang tropical storm," dagdag ni Clauren-Jorda.

"At habang kumikilos naman ito palayo... sa ating area of responsibility, by Tuesday ay mas lalakas pa po ito at posible po itong umabot sa severe tropical storm."

Malaki ang kawalang siguraduhaan sa track ng sama ng panahon sa susunod na 48 na oras dahil pa rin sa "broad circulation" nito.

Miyerkules lang nang sabihin ng PAGASA na nakikita ang 10 hanggang 13 bagyo mula ngayong Hunyo hanggang Nobyembre, bagay na "below average." Kadalasang umaabot ng 20 tropical cyclones taun-taon sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaaring magtapos ang nararanasang El Niño ngayong Hunyo. Pinatataas ng naturaang phenomenon ang posibilidad ng below-normal rainfall conditions.

BICOL

EASTERN VISAYAS

LANDFALL

PAGASA

TROPICAL CYCLONE

TROPICAL DEPRESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with