^

Bansa

Pasukan sa Hulyo 29, kasado na

Mer Layson, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pasukan sa Hulyo 29, kasado na
Students attentively listen to their teacher during their class at Rafael Palma Elementary School in Manila on May 9, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng klase sa Hulyo 29 para sa school year 2024-2025.

Sa sectoral meeting ng Pangulo sa Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte na kalihim ng DepEd, inaprubahan ang pagbubukas ng klase ng Hulyo 29, 2024 at magtatapos ng Abril 15, 2025.

Ito ang simula ng dahan-dahang pagbalik sa school year na Hunyo ng kada taon at magtatapos ng Marso ng susunod na taon.

Iprinisinta ng Bise Presidente sa Pangulo ang dalawang opsyon para sa pagbabago ng calendar year, ang una ay binubuo ng 180 school days na may 15 in person Saturday classes habang ang ikalawang opsyon ay 165 school years na walang in person Saturday classes na parehong magtatapos ang School Year sa March 31, 2025.

Subalit, sinabi ng Pangulo na ang 165-day school calendar ay ­masyadong maiksi at mababawasan ang bilang ng school days at maaaring makompromiso ang resulta ng kaalaman ng mga estudyante.

Ayaw din anya ng ­Pangulo na pumasok ang mga estudyante ng Sabado para makumpleto ang 180-day school ­calendar dahil malalagay sa alanganin ang well being ng mga estudyante at mga guro at nangangailangan din ng resources.

Dahil dito kaya inadjust ng DepEd ang pagtatapos ng klase mula sa Marso 31, 2025 ay ginawa itong Abril 15, 2025 para makumpleto ng mga estudyante ang 180 days kahit walang klase ng Sabado.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with