^

Bansa

Romualdez kinondena banta ng China na huhulihin dayuhan sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinondena ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagbabanta ng China na huhulihin ang mga dayuhan na pupunta sa inaangkin nitong West Philippine Sea, na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pahayag na ito ay nagpapatindi lamang ng tensyon sa WPS.

“China’s aggressive pronouncements are a blatant escalation of tensions in the West Philippine Sea. These unilateral actions flagrantly violate international law and the established norms that guide the Philippines and other law-abiding nations with claims in the South China Sea,” ani Romualdez.

Iginiit ni Speaker Romualdez na dapat igalang ng China ang Arbitral ruling, na kinikilala rin ng mga bansa sa mundo, na nagsasabing ang Pilipinas ang may karapatan sa WPS.

“China must respect international rulings and act as a responsible member of the global community, rather than imposing its own laws unilaterally and bullying other nations,” wika pa ni Speaker Romualdez.

“The House of the Filipino People will not tolerate any arrests of our citizens or fishermen within our own Exclusive Economic Zone (EEZ). We will fiercely defend our sove­reignty and ensure the safety and rights of our people,” giit pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Sa ulat ng South China Morning Post, sinabi na binigyan ng kapangyarihan ng Chinese government and China Coast Guard upang hulihin ang sinumang papasok sa binabantayan nitong teritoryo kasama ang pinag-aagawang teritoryo.

FERDINAND MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with