‘Death penalty’ sa magtatapon ng basura sa Abra
MANILA, Philippines — Naalarma ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa kontrobersyal na ordinansa sa isang Barangay sa Bangued, Abra na nagpapataw ng parusang kamatayan sa ikatlong paglabag ng sinuman sa kanilang mga residente kaugnay ng illegal na pagtatapon ng basura.
Sa isang press statement nitong Sabado, sinabi ng CHR na ang nasabing ordinansa ay walang paggalang sa karapatang pantao at karapatang mabuhay.
“While we recognize the importante of proper waste management and ordinances that will improve residents disposal practices within their communities such cruel directives and offenses does not address the problem instead it only perpetuates confusion, perplexity and distress among constituents,” ayon sa CHR.
Ang pahayag ay inisyu ng CHR mahigit isang linggo naman matapos masuspinde sina Brgy. Calaba Chairman Renato Brasuela, apat na Brgy. Councilors na sina Marjun Santiago, Rosemel Viado, Marlbour Valera, Carmelita Venus at SK Chairperson Darryl Blanes matapos na lumikha ng ordinansa na nagpapataw ng parusang kamatayan laban sa sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.
Nabatid na ang nasabing ordinansa ay pinagtibay sa Brgy. Calaba nitong Pebrero 2024. Dito’y pinagmumulta ng P1,000 ang sinumang mahuhuli sa paglabag sa unang pagkakataon.
Sa ikalawang paglabag ay multang P1,000 at walong oras na community service at sa ikatlong paglabag ay ‘death penalty’ kung saan bibistayin ng bala ang sinumang residente na illegal na nagtatapon ng basura.
Matapos ang kontrobersyal na ordinansa ay ipinag-utos ni Bangued Mayor Mila Valera ang pagpapataw ng 90 araw na suspension sa nasabing mga opisyal.
“These heinous remarks have not only caused social unrest but also posed a direct threat to the right to life,” ayon sa pahayag ng CHR.
- Latest