^

Bansa

Paglikha ng 4K trabaho sa DSWD, inutos ni Pangandaman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Paglikha ng 4K trabaho sa DSWD, inutos ni Pangandaman
Hundreds of job seekers line up at an employment agency along Agoncillo Street in Malate, Manila to apply as factory workers in Taiwan on May 13, 2024.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Upang suportahan ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na layong maibsan ang kahirapan sa bansa, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Amenah “Mina” F. Pangandaman ang paglikha ng 4,265 positions para sa iba’t ibang Field Offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Paliwanag ni Pangandaman, krusyal at mahalaga ang pagsuporta sa programang 4Ps ng pamahalaan kung nais natin magkaroon ng tunay na inklusibong pag-unlad para sa lahat, upang makawala sa tanikala ng kahirapan ang ating mga kababayang nasa laylayan.

Binigyang-din ni Pangandaman na sa ganitong paglikha ng karagdagang trabaho, sumisigla ang cash-flow at nagkakaroon ng positibong epekto ito sa kabuuang estado ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Pangandaman, ang mga contractual Project Development Officer II (PDO II) positions ay nilikha upang dagdagan ang kasalukuyang staff ng DSWD upang pamahalaan ang kanilang workload ng mas mahusay, na naglalayong magkaroon ng caseload na isang manager para sa bawat 300 na sambahayan.

Dagdag pa ni Pangandaman, as of 31 August 2023, ang pagpapatupad ng 4Ps ay sumasakop sa kabuuang 3, 976, 653 household beneficiaries sa 41,676 barangay sa buong bansa o 90.38% ng 4.4 milyong target households, base sa FY 2023 report ng DSWD.

Dati, pinahintulutan ng DBM ang paglikha ng 12,637 na posisyon sa pagpapatupad ng 4Ps, kung saan 5,291 na posisyon ang nagsilbing case manager sa pagtugis ng 4Ps.

Ayon kay Pangandaman, ang pondo para sa paglikha ng nasabing 4,265 PDO II contractual positions ay kukunin mula sa available allotment ng DSWD.

Sakaling kulang, ipina­liwanag ni Pangandaman na ang kinakailangang pondo ay kukunin mula sa available appropriations sa FY 2024 General Appropriations Act.

vuukle comment

DSWD

JOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with