^

Bansa

PNP official nagre-recruit para tumestigo vs Bato sa ICC probe

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng detalye si Senador Ronald “Bato” dela Rosa tungkol sa mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na anya ay nagkukumbinsi sa kapulisan para tumestigo laban sa kanya sa drug war case sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang interview sa DWIZ, sinabi ni Dela Rosa na ang nasabing opisyal na kanyang “upper class” na nagkanulo sa kanya ay nasa makapangyarihang posisyon sa kasalukuyang administrasyon.

Itinalaga anya ito ni ­dating pangulong Noynoy Aquino at sana ay sisibakin­ na sa pwesto ni dating ­pangulong Rodrigo Duterte suba­lit napanatili sa pwesto dahil sa kanyang tulong.

Sinabi ng Senador na natapos ng opisyal ang anim na taon na termino subalit ngayon ay abala naman ito sa pangungumbinsi sa mga opisyal ng PNP para hikayatin tumestigo laban sa kanya sa ICC.

Iginiit naman ni Dela Rosa na papangalanan niya ang naturang opisyal sa tamang panahon.

Nag-post lang anya siya sa Facebook para ipabatid ang pagkadismaya at sama ng loob sa naturang tao na kanyang pinagkatiwalaan at tinulungan.

Nasayang lang anya ang kanyang tiwala dito bilang kanyang upper classman at pagkatapos ay tatalikuran lamang siya.

vuukle comment

ICC

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with