^

Bansa

'Tindahan Ni Aling Puring' sa Negosyo Convention

Pilipino Star Ngayon
'Tindahan Ni Aling Puring' sa Negosyo Convention

MANILA, Philippines – Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga maliliit na negosyante at mga mamimili sa Tindahan ni Aling Puring, muling magbabalik ang taunang Puregold Negosyo Convention na gaganapin sa Mayo 16-18 sa World Trade Center sa Pasay City.

Tunay na pinahahalagaan ng Puregold ang may-ari ng maliit na sari-sari stores, gayundinang mga parokyano nito bunsod nang pagpapakita ng katatagan sa kabila ng  samu’t-saring alalahanin kabilang ang walang habas na pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

Patuloy ang Puregold sa pagbibigay biyaya upang mapanatiling matatag ang kabuhayan nang maliliit na tindahan at maibigay sa komunidad ang mga pangangailangan produkto sa mababang halaga.

Inaasahang ang pakikiisa ng lahat sa naturang Negosyo Convention sa Mayo 16-18 sa World Trade Center sa Pasay City.

Sa gitna nang anumang krisis, kinikilala ng Puregold ang katatagan ng maliliit na tindahan bilang pundasyon upang mapagsilbihan ang ating mga kababayan at sa pamamagitan ng programang ‘Tindahan ni Aling Puring, mas pinalawak ng Puregold ang programa para masuportahan ang pag-angat ng mga negosyong pantindahan, maliit man o malaki.

"We have seen record-setting volumes, thanks to more small business owners signing up for Tindahan ni Aling Puring,” pahayag ng Pangulo ng Purefoods na si Ferdinand Vincent Co.

Kaakibat sa naturang programa ang paniniguro na ang mga itinitinda mula sa Tindahan ni Aling Puring, ay dekalidad, bago at sa mababang presyo.

Ang Tindahan ni Aling Puring ang sentro ng programa para sa halos isang milyong miyembro sa buong bansa na nagsisilbing pundasyon para patuloy na mapagsilbihan ng Puregold ang sambayanan.

Ang tema ng programa ngayong taon ay "Asenso Tayo," bilang pagkilala ng Puregold sa pagpupunyagi ng mga Pinoy sa pagtatayo ng maliliit na tindahan sa mga komunidad.

“Behind nearly every sari-sari store in the Philippines is Puregold. We are honored to be their ally in their journey to success and financial independence,” sambit ni Vincent.

Iginiit ng Puregold na magpapatuloy ang kanilang pagpupunyagi upang mapagsilbihan ang masang Pilipino, sa pamamagitan nang pagtatag ng mga tindahan at iba pang katulad na negosyo na nagbibigay nang mga produkto sa mababang halaga.

NEGOSYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with