^

Bansa

'Delikado': Tipak ng Chinese rocket posible bumagsak sa West Philippine Sea

James Relativo - Philstar.com
'Delikado': Tipak ng Chinese rocket posible bumagsak sa West Philippine Sea
Makikita sa larawang ito ang mga posibleng "drop zones" ng Long March 3B/E rocket ng People’s Republic of China
Released/PhilSA

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang pagpapalipad ng Long March 3B/E rocket ng People’s Republic of China, ito habang ilan sa mga labi nito'y posibleng bumagsak aniya sa ilang bahagi ng West Philipppine Sea.

Ito ang ibinahagi ng PhilSA sa isang pahayag ngayong Huwebes matapos i-disclose sa kanila ang posibleng "drop zone" sa pamamagitan ng isang Notice to Airmen (NOTAM) warning kaugnay ng "aerospace flight activity."

"Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 28 NM away from Rozul Reef and 38 NM away from Patag Island," sabi ng ahensya.

"Long March 3B/E was launched from the Xichang Satellite Launch Center in Liangshan Yi Autonomous Prefecture, Sichuan China around 09:50 AM PhST on 09 May 2024."

 

 

Ang Rozul Reef at Patag Island ay nasa loob ng West Philippine Sea, pasok sa 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. 

Gayunpaman, patuloy na iginigiit ng Tsina ang kanilang "soberanyang karapatan" sa naturang lugar. Ito'y kahit binalewala na ng Permanent Court of Arbitration ang kanilang nine-dash line claim sa halos buong South China Sea.

Ipinagbigay-alam naman na raw ng PhilSA ang kanilang pre-laaunch report sa sari-saring ahensya ng gobyerno bago pa man lumipad ang naturang rocket.

Nagbabala rin ang PhilSA sa peligrong dala ng pagbagsak nito, lalo na't dinesenyo raw para madispatsa ang unburned debris gaya ng booster at faring oraas na lumabas ng rocket papuntang kalawakan.

"While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone," sabi pa ng PhilSA kanina.

"There is also a possibility for the debris to float around the area and wash toward nearby coasts. Additionally, the possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time."

Idiniin ng ahensya sa publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang anumang hinihinalang debris mula sa naturang rocket. Binalaan din ng PhilSA ang lahat laban sa pagkuha o paglapit sa mga materyal na ito, lalo na't posibleng nagdadala ito ng nakalalasong kemikal gaya ng rocket fuel.

Taong 2022 lang nang itanggi ng Tsina na "pwersahan" nilang inagaw ang isa pang rocket debris na natagpuang palutang-lutang sa Pagasa Island sa Palawan.

CHINA

PATAG ISLAND

PHILIPPINE SPACE AGENCY

ROCKET

ROZUL REEF

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with