SM Foundation, patuloy sa pagsulong sa programang pangkalusugan
MANILA, Philippines — Patuloy ang SM Foundation sa paghahatid ng serbisyong medikal sa iba’t ibang komunidad sa bansa.
Kamakailan lamang ay nagdaos ang SM Foundation ng tatlong matagumpay na medical mission sa Brgy. Krus na Ligas, Lungsod ng Quezon, SM Center Batangas, at SM City Marilao, Bulacan. Nasa 1,900 na pasyente na tumanggap ng kinakailangang medical at dental check ups at maging libreng blood test, ECG, X-ray, at mga gamot at bitamina.
Kaagapay ng SM Foundation ang ilang doctors, dentists, nurses at volunteers sa paghahatid ng kalidad sa serbisyo sa nasabing medical mission.
Para alamin ang social good programs ng SM Foundation, bumisita sa www.sm-foundation.org.
- Latest