^

Bansa

Marcos pinaghahanda na partido sa 2025 elections

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil nalalapit na ang midterm elections, pi­naghahanda na ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga kapartido sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Sinabi ng Pangulo, na mahalagang makapagsimula na silang bumuo ng mga komite para ­paghandaan ang eleksyon.

Dagdag pa niya, magsisimula na ang paghahain ng kandidatura sa Oktubre kaya asahan na magiging maliwanag na sa mga susunod na buwan kung aling partido pulitikal sa bansa ang kanilang magiging kaal­yansa o koalisyon.

Bukod pa rito, nais din ni Pangulong Marcos na magkaroon na sila ng malinaw na line-up ng mga kandidato mula sa national hanggang local level o sa Congress, municipal at city levels pagdating ng Oktubre para aniya makapagplano nang maayos.

Ang PFP ang partido ni Pangulong Marcos at siya ring tumatayong chairman nito, kung saan may 33 ang nanumpa bilang bagong miyembro nila.

Sinabi naman ni PFP president Governor Reynaldo Tamayo ng South Cotabato na mayroon na silang tatlong national parties na tinitingnan kabilang dito ang para sa alyansa, koalisyon at ang pinakamalaki ay ang isang national political parties na magmemerge o aanib sa PFP o pag-iisahin na.

Nilinaw naman ni Tamayo na sa ngayon hindi kasali ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte sa kinakausap ng PFP.

Paliwanag ng gobernador ang alyansa ng PFP at HNP ay para noong 2022 national elections lamang habang sa 2025 ay bubuo ng bagong ­alyansa ang kanilang partido.

Nanatili naman anya ang UniTeam, subalit natapos na ang kanilang kasunduan dito matapos ang eleksyon kaya kailangang magbuo sila ng bagong agreement kung saan posibleng magkakasama sila ulit kung magkakasundo sa iisang common cause.

2025 ELECTION

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with