2 bagyo posibleng pumasok ngayong Mayo – PAGASA
MANILA, Philippines — Dalawang bagyo ang maaaring mabuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Mayo.
Ayon kay Rhea Torres ng PAGASA, ang unang bagyo ay papasok sa Philippine landmass bago lumayo sa ating bansa.
Ang ikalawang bagyo naman anya ay tatawid ng Eastern Visayas, Bicol region, MIMAROPA, at CALABARZON bago lumabas sa may West Philippine Sea at saka iikot hanggang sa lumayo sa bansa.
Nilinaw ni Torres na walang bagyo ang inaasahang makaapekto sa ating bansa hanggang sa susunod na linggo.
- Latest