^

Bansa

LTFRB: 10,000 jeeps na kolorum simula Mayo 'hindi pagmumulan ng krisis'

James Relativo - Philstar.com
LTFRB: 10,000 jeeps na kolorum simula Mayo 'hindi pagmumulan ng krisis'
Passenger jeepneys continue to operate and wait for commuters along the Rizal Avenue Extension in Caloocan City amid the three-day transport strike on April 29, 2024.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Hindi naniniwala ang gobyernong magkakaroon ng "transportation crisis" oras na mawala sa kalsada ang libu-libong unconsolidated jeepneys sa mga susunod na araw — "oversupply" pa nga raw ang mga sasakyang ito kung tutuusin.

Ngayong Martes kasi ang huling araw ng industry consolidation para sa mga tradisyunal na jeepney papasok ng mga kooperatiba't korporasyon. Ang mga papasadang bigong makapagkonsolida, posibleng hulihin simula ika-15 ng Mayo.

"'Yung 10,000 po [that will be declared colorum], will that be considered as a transport crisis? The answer is no," ani Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III sa isang press conference ngayong Martes.

"Why? In an ideal setting po, in a jeepney modernization program, we really have to phase out some jeepneys because based on the studies [of Japan International Cooperation Agency], there is an oversupply of jeepney in Metro Manila."

"Pansinin mo, except during rush hours, ilan ba ang sakay ng isang jeep? Dalawa, tatlo lang. 'Di ba? Nag-uunahan sila sa mga pasahero, so they stop in the middle of the street para makakuha ng pasahero para makapag-boundary sila." 

Narito ang datos ng industry consolidation sa ngayon as of April 23, ayon sa LTFRB:

  • jeepney units na nagpapakonsolida: 350,179
  • porsyento ng konsolidasyon: 78.33%
  • projection sa makakapagkonsolida: hanggang 82%

Ipinapakonsolida ang mga tradisyunal na jeepney at UV Express hanggang ngayong araw kaugnay ng public utility vehicle (PUV) modernization program. 

Matapos ang tatlong taon, kakailanganing magtransisyon ang mga lumang unit patungong Euro-4 engines o electric vehicles — bagay na nagkakahalaga ng hanggang P2.8 milyon kada piraso. Dahil dito, umaaray ang transport groups sa laki ng kailangan nilang iluwang pera.

Dahil diyan, naka-tigil-pasada hanggang Araw ng Manggagawa ang ilang transport group gaya ng PISTON dahil sa posibleng kawalan ng trabaho ng idulot ng kasalukuyang itsura ng programa.

"Ang point ko rito is, we have an abundant supply [of jeeps]. Not to mention the fact that there are other modes of transportation, especially for Metro Manila. May train ka. Kaya nga umaangal sa akin ang buses. Marami sa kanila ang nalulugi because of the continous influx of passengers sa mga train ngayon."

"Plus of course dinagdagan mo pa ng TNVS. Plus dinagdagan mo pa ng motorcycle taxi. That's 45,000 po na dinagdag sa Metro Manila. So 'yung 10,000 [jeeps] po na nawawala, napupunuan naman po ng bus, napupunuan naman po ng UV, ng TNVS, ng taxi."

30% unconsolidated sa Metro Manila?

Una nang iniulat ng LTFRB na mababa ang consolidation rate ng Naational Capital Region (NCR), kung saan mas mataas 'di hamak ang population density.

Disyembre laang nang maiulat na 54% lang ang nakapagkonsolidasa Metro Manila, bagay na tumaas na ngayon sa 57%. Gayunpaman, tiwala ang LTFRB na  papalo ito ng hanggang 60% bago matapos ang araw na ito.

Dahil diyan, posibleng 30% ng jeepney units (mahigit 600) sa Metro Manila ang pagbababawalan nang parurusahan paagsapit ng mid-May.

Una nang sinabi ni Guadiz na P50,000 multa ang ipapataw para sa mga papasada pa rin matapos ang ilang paalala. Bukod pa ito sa isang taong suspensyon para sa mga lalabag na tsuper.

Bagama't 30,000 ang sinasabing magiging kolorum simula bukas, 20,000 rito ang tinatayang hindi na nagparehistro sa LTFRB o nagpa-renew ng prangkisa dahilan para 10,000 nationwide na lamang.

'Pasismo' sa strike

Kinastigo naman ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), isang non-government organization, ang diumano'y harassment ng pulis sa mga tsuper ata operator ng jeep na lumahok sa transport strike kahapon.

Kabilang na aniya rito ang malaking deployment ng kapulisaan sa Metro Manila, na siyang nang-"intimidate" aniya sa transport groups sa paagsali sa protesta. Ang ilan sa kanila, hinarangan daw upang hindi makasali o makapagtayo ng protest centers.

"The actions of the police forces yesterday violate the protesters’ right to freedom of expression and opinion. This right should be respected by the government and the police forces by itself, and especially since the jeepney drivers and operators, the core of the protest, are expressing opposition to the government’s denial of their livelihoods," wika ng CTUHR.

"The repression against the jeepney drivers and operators and their supporters, the imposition of the April 30 deadline for franchise consolidation, and the whole phaseout scheme to modernize public utility vehicles (PUVs) -- all these show that the Ferdinand Marcos Jr. government is not listening anymore to the aggrieved sectors and is siding with corporate profit."

Nananawagan ang kanilang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagdayalogo sa mga nagwewelga upang magkasundo sa "mas maayos" na timetable sa PUV modernization.

Una nang sinabi ng PISTON na hindi sila tutol sa modernisasyon ngunit sa magiging epekto sa kabuhayan ng aniya'y hindi makatarungang transisyon.

"We call on the government to break free from corporate dictates on the transportation sector and the environment," kanilang panapos.

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

JEEPNEY PHASE OUT

LTFRB

PISTON

PUBLIC UTILITY VEHICLES

TRANSPORT STRIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with