^

Bansa

Cellphone ban sa klasrum, isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Cellphone ban sa klasrum, isinulong
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay

Estudyante nanonood ng TikTok, YouTube videos

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ni Senador Win Gatchalian ang paghahain ng panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang gadgets sa loob ng classrooms.

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate committee on Basic Education, base sa mga obserbasyon, marami sa mga bata ang nalululong sa paggamit ng cellphone kahit sa loob ng classroom.

Kaya sa halip na nagbabasa ang mga bata ay mas pinipili nilang gamitin ang cellphone sa panonood ng YouTube at TikTok videos habang nasa klase.

Idinagdag pa ng senador na dapat payagan lamang ang paggamit ng cellphone pagkatapos ng oras ng pasok o school hours o ilalabas lang kung uwian na, subalit habang nasa loob ng classroom ay bawal itong gamitin.

Naniniwala rin si Gatchalian na ang mobile phones at iba pang gadgets ay nagpapabawas sa mga estudyante at kabataan na magbasa, mag-aral at makihalubilo sa tao.

Giit pa niya na ang kanyang hakbang ay para makahikayat din sa mga Filipino na magbasa at bumili ng mga libro.

Maghahain din anya si Gatchalian ng panukalang batas para ideklara ang buwan ng Nobyembre bilang National Reading Month.

WIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with