^

Bansa

Mangingisda pumalag vs importasyon ng 25,000 MT 'frozen fish'

James Relativo - Philstar.com
Mangingisda pumalag vs importasyon ng 25,000 MT 'frozen fish'
Workers push a cart with buckets of fish at the Navotas Fish Port in Metro Manila on March 17, 2023.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Binanatan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang desisyon ng gobyernong aprubahan ang pag-aangkat ng sangkaterbang isda, bagay na sisira aniya sa lokal ng produksyon.

Lunes kasi nang pirmahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang Memorandum Order 17, series of 2024 na siyang mgapapahintulot sa pagpasok ng 25,000 metrikong toneladang niyeluhang isda.

Nangyari ito ilang araw matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Administrative Order 20 na siyang nagtatanggal sa non-tariff barriers sa imported agricultural products.

"Malaki ang pinsala ng pagpasok ng imported na isda sa lokal na produksyon dahil hinihila nito pababa ang farm gate price ng produkto ng mga maliliit na mangingisda," ani  PAMALAKAYA chair Fernando Hicap ngayong Huwebes.

"Kung sa kasalukuyan ay naglalaro lamang sa P80-P100 kada kilo ang presyo ng lokal na galunggong sa mga mangingisda, nangangamba kaming higit pa itong babagsak sa pagpasok ng mga imported na relatibong mas mura."

Nakatakdang iangkat ang mga "frozen pelagic fish" mula ika-1 ng Oktubre hanggang ika-21 ng Disyembre bago ito tuluyang bumaha sa palengke, ayon sa MO 17.

Sabi pa ng memorandum, 80% ng maximum importable volume na aabot sa 20,000 MT ang ibibigay sa registered importers na kabilang sa commercial fishing sector.

Ang nananatiling 20%, o 5,000 metric tons, ay ibibigay naman aniya sa mga fisheries associations at cooperatives. Kinakailangang makarating ang mga isda bago pa ang ika-25 ng Enero taong 2025.

Pagsasara ng 'fishing season'

Nangyayari ang lahat ng ito matapos ideklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) aang pagtataos ng fishing season upang mabigyan ng sapat na oras ang "spawning periods" ng mature sardines mula Oktubre hanggang Enero.

Una nang ibinalitang mas mababa ng 29% ang fish imports ngayong taon kumpara sa 35,000 MT noong 2023.

Samantala, makikipagtulungan naman daw ang PAMALAKAYA sa iba't ibang organisasyon para ipaglaban ang ang pagbabasura ng AO 20, bagay na tinagurian nilang "mitsa ng pinsala ng lokal na agri-fisheries production."

BONGBONG MARCOS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FISHING

IMPORTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with