^

Bansa

'Dangerous' heat index posible sa 38 lugar habang Cavite aabot sa 47°C — PAGASA

James Relativo - Philstar.com
'Dangerous' heat index posible sa 38 lugar habang Cavite aabot sa 47°C — PAGASA
People buy coconut water to cool themselves along a road in Manila on April 24, 2024, as extreme heat affected the country. Extreme heat scorched the Philippines on April 24, forcing schools in some areas to suspend in-person classes and prompting warnings for people to limit the amount of time spent outdoors.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Halos 40 lugar sa Pilipinas ang maaaring makatikim ng "dangerous" heat index ngayong Huwebes. Ang pinakamatindi ay sa Sangley Point, Cavite, sabi ng PAGASA.

Ito ang lumalabas sa highest heat index forecast ng state weather bureau para sa araw ng Huwebes, ito habang nagpapatuloy ang warm and dry season.

Dahil dito, mas mataas ang tiyansang makaranas ng heat cramps, heat exhaustion at heat strong ang mga nakatira sa mga sumusunod na lugar:

  • NAIA Pasay City, Metro Manila: 45°C
  • Science Garden Quezon City, Metro Manilaa: 43°C
  • aoag City, Ilocos Norte: 42°C
  • Dagupan City, Pangasinan: 46°C
  • Bacnotan, La Union: 43°C
  • Aparri, Cagayan: 43°C
  • Tuguegarao City, Cagayan: 44°C
  • ISU Echague, Isabela: 43°C
  • Ibaa, Zambales: 43°C
  • Clark Airport (DMIA), Paampanga: 43°C
  • CLSU Munoz, Nueva Ecija: 44°C
  • Baler (Radar), Aurora: 43°C
  • Casiguran, Aurora: 42°C
  • Cubi Pt., Subic Bay Olongaapo City: 45°C
  • Tayabas City, Quezon: 42°C
  • Sangley Point, Cavite: 47°C
  • Ambulong, Tanauan Batangas: 44°C
  • Infanta, Quezon: 42°C
  • Alabat, Quezon: 42°C
  • Mulanay, Quezon: 43°C
  • Calapaan, oriental Mindoro: 43°C
  • Coron, Plawan: 42°C
  • San Jose, Occidental Mindoro: 45°C
  • Puerto Princesa City, Palawan: 44°C
  • Aborlan, Palawan: 45°C
  • Legazpi City, Albay: 44°C
  • Virac (Synop), Catanduanes: 44°C
  • Masbate City, Masbate: 42°C
  • CBSUA-Pili, Camarines Sur: 43°C
  • Roxas City, Capiz: 45°C
  • Iloilo City, Iloilo: 43°C
  • Dumangas, Iloilo: 43°C
  • Catarman, Northern Samar: 43°C
  • Tacloban City, Leyte: 42°C
  • Guiuan, Eastern Samar: 42°C
  • Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 43°C
  • Davao City, Davao del Sur: 42°C
  • Cotabato City, Maguindanao: 42°C

"Heat cramps and heat exhaustion are likely; heat stroke is probable with continued exposure," sabi pa ng PAGASA.

Oras na umabot sa 52°C ang heat index ay papasok na init sa "extreme danger" classification. Dito pinakamataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng heat stroke.

Kaiba ng temperatura, ginagamit ang heat index para sukatin ang init na nararamdaman ng katawan ng tao.

Una nang nagsuspindi ng klase sa sari-saring bahagi ng Pilipinas kaugnay ng mainit na panahon.

Umabot sa 34 katao aang tinamaan ng heat-related illnesses bunsod pa rin ng init ng panahon. Anim sa kanila ang namatay.

Kamakailan lang nang isailalim sa state of calamity ang nasa 103 lugar dahil sa tindi ng init. Sa ilalim nito, nagpapatupad ng automatic price free ang gobyerno para sa mga pangunahing bilihin.

CAVITE

HEAT INDEX

PAGASA

SUMMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with