^

Bansa

CamSur no. 1 sa heat index habang 30 lugar sa bansa nasa 'danger levels'

James Relativo - Philstar.com
CamSur no. 1 sa heat index habang 30 lugar sa bansa nasa 'danger levels'
A resident lines up his containers to collect water amidst the intense heat in Binondo, Manila on April 23, 2024.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines —  Posibleng magbaga sa 46°C ang heat index sa Pili, Camarines Sur ngayong Miyerkules matapos mag-isyu ng babala ang PAGASA ng mas mataas na probability ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke sa 30 lugar sa Pilipinas.

Ito ang ibinagi ng state weather bureau matapos maitala ang highest heat index ngayong araw sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).

Kabilang sa mga lugar na nasa "danger" classification ang heat index ay ang mga sumusunod na lugar:

  • NAIA Pasay City, Metro Manila: 44°C
  • Science Garcen Quezon City, Metro Manila: 43°C
  • Dagupan City, Pangasinan: 45°C
  • Aparri, Cagayan: 45°C
  • Tuguegarao City, Cagayan: 44°C
  • ISU Echague, Isabela: 42°C
  • Iba, Zambales: 42°C
  • CLSU Munoz, Aurora: 43°C
  • Baler (Radar), Aurora: 42°C
  • Casiguran, Aurora: 42°C
  • Sangley Point, Cavite: 43°C
  • Ambulong, Tanauaan Batangas: 42°C
  • Alabat, Quezon: 42°C
  • Coron, Palawan: 43°C
  • San Jose, Occidental Mindoro: 45°C
  • Puerto Princesa City, Palawan: 45°C
  • Aborlan, Palawan: 45°C
  • Daet, Camarines Norte: 42°C
  • Legazpi City, Albay: 43°C
  • Virac (Synop), Catanduanes: 43°C
  • Masbate City, Masbate: 43°C
  • CBSUA-Pili, Camarines Sur: 46°C
  • Roxas City, Capiz: 43°C
  • Iloilo City, Iloilo: 43°C
  • Dumangas, Iloilo: 42°C
  • La Granja, La Carlota, Negros Occidental: 42°C
  • Catarman, Northern Samar: 42°C
  • Catbalogan, Samar: 42°C
  • Tacloban City, Leyte: 42°C
  • Guiuan, Eastern Samar: 44°C

Ang danger classification, na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C heat index, ay nagdudulot ng mas mataas na posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion. Posible rin ang heat stroke kung tatagal sa ilalim ng initan ang indibidwal.

Lagpas dito, "extreme danger" na ang heat index.

Init nakamamatay

Naitala ang lahat ng ito ilang araw matapos iulat ng Department of Health ang 34 kaso ng "heat-related illnesses" — anim sa kanila ay binawian ng buhay

Sinasabing nagmula sa Central Visayas, Ilocos Region at Soccsksargen Region ang mga namatay sa init.

Ilang eskwelahan na ang nagsuspindi ng kani-kanilang pasok dahil sa matinding init ng panahon kasabay ng "warm and dry season."

Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index. Ang huli ay sumusukat sa init na nararamdaman ng katawan ng tao.

CAMARINES SUR

HEAT INDEX

HEAT STROKE

PAGASA

PILI

TEMPERATURE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with