Marcos sa PNPA grads: Career ‘di nasusukat sa bilis ng promotion
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) na hindi nasusukat sa bilis ng kanilang promosyon ang kanilang career kundi sa kalidad ng kanilang pagseserbisyo sa publiko.
Ang paalala ng Pangulo ay ginawa sa ika-45 Commencement Exercises ng PNPA Layag-Diwa Class of 2024 sa Cavite.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, sinabi nito na hindi nasusukat ang career ng isang pulis, jail, fire officer sa mabilis na promosyon kundi sa kwalidad ng ibinibigay na serbisyo sa publiko.
“The service you are about to consecrate your life to is not a race to collect insignia nor accumulate prized assignments. It is to do as much good as often to as many without expecting any reward in return, because service itself is our reward,” sabi pa ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, dapat isabuhay ng mga graduates ang core values ng kanilang klase na Justice, Integrity, at Service.
Kasabay nito, hinikayat din niya ang mga graduates na gamitin ang digital at information technology (IT) para labanan ang krimen.
Nabatid na sa 223 graduating PNPA cadets, 199 ang magsisilbi sa Philippine National Police, 12 sa Bureau of Jail Management and Penology at 12 sa Bureau of Fire Protection.
- Latest