^

Bansa

Barko sumadsad sa Masbate

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumadsad ang barkong MV Mobo na pagmamay-ari ng Kho Shipping lines sa mababaw ng parte ng Barangay Nursery, Lungsod ng Masbate nitong ika-16 ng Abril 2024.

Kakaalis lang ng nasabing barko bandang 8:00 ng gabi sa pribadong pantalan ng Kho Container Port and Terminal Services, Inc. at patungo sanang Pasacao Port sa Camarines Sur nang magkaroon ito ng steering failure na naging sanhi sa pagkakapadpad ng barko sa mababaw na bahagi ng nasabing lungsod ayon sa naging salaysay ng kapitan ng barko.

Naialis ang barko sa pagkaksadsad bandang alas-10:30 ng umaga, ika-17 ng Abril 2024 at ligtas na nakabalik sa nasabing pribadong pantalan bandang 11:30 ng umaga lulan ang 27 nitong pasahero at 10 rolling cargoes.

Binigyan naman ng makakain ng nasabing kumpanya ang mga pasahero na lulan ng MV Mobo at inilipat nalang sa MV Uson Star na patungo din sa Pasacao Port.

Pansamantala munang itinigil ang biyahe ng MV Mobo upang magsagawa ng hull inspection at iba pang mga kaukulang pro­seso.

Wala namang naitalang nasaktan sa mga pasahero at maayos na nakaalis ang mga ito sakay ng MV Uson Star patungong Pasacao Port.

Samantala, pinaalalahanan ng PMO Masbate ang mga opisyal ng barko na laging siguraduhin nasa tamang kondisyon ang mga navigational equipment kagaya ng steering gears upang maiwasan ang anumang aberya.

PMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with