Marcos Jr. kinastigo nang maisama sa '100 Most Influential People' ng TIME
MANILA, Philippines (Updated 1:16 p.m.) — Napabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa listahan ng "100 Most Influential People of 2024" ng TIME, ito'y kahit kinilala ng publikasyon ang ill-gotten wealth ng kanilang pamilya't paggamit diumano ng online disinformation noong eleksyon.
Miyerkules (oras sa Amerika) nang ilabas ng TIME ang kanilang listahan, habang idinidiin kung paano nakatulong aniya ang kanyang kagustuhang linisan ang kanilang pangalan sa "pagbabago ng Pilipinas."
"His dictator father plundered billions of dollars from state coffers and stood accused of grievous human-rights violations until his ouster in 1986. Bongbong’s rise to the Philippine presidency in 2022 was owed to whitewashing this family legacy through clever manipulation of social media," wika ng TIME.
"Yet Bongbong’s desire to rehabilitate the Marcos name has resulted in other shifts. He brought technocrats back into government, steadied the post-pandemic economy, and elevated the Philippines on the world stage."
Tinatayang nasa $5 bilyon hanggang $10 bilyon ang ill-gotten wealth matapos itong ibulsa ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na kilala sa human rights violations matapos ideklara ang Martial Law.
Sa kabila nito, sinabi ng TIME na nakatulong din sa paglinis ng apelyidong Marcos ang diumano'y aksyon ni Bongbong para "ipagtanggol" ang West Philippine Sea sa panghihimasok at pag-aangkin ng Beijing.
"Bongbong has stood steadfast against Chinese aggression in the disputed South China Sea and bolstered his nation’s alliance with the U.S. in the face of 'rising tensions in our region and the world,' as he said last May," dagdag pa ng magazine.
"Many problems persist, including extrajudicial killings and journalists routinely attacked. But by trying to repair his family name, Bongbong may reshape his country too."
Sinabi ito ng publikasyon kahit na malapit na kaalyado ni Marcos Jr. si Chinese President Xi Jinping sa gitna ng tuloy-tuloy ang harassment ng Chinese Coast Guard sa mga barkong Pilipino sa loob mismo ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).
'Kwestyonableng pamantayan'
Hindi nagustuhan ng ilan ang desisyon ng TIME na isama ang presidente sa naturang listahan, lalo na ang mga mangingisdang apektado mismo ng pang-aagaw ng Beijing sa West Philippine Sea.
"Walang kabuluhan para sa mga Pilipinong mangingisda ang pagkilala ng Time Magazine kay Marcos Jr. bilang isa sa mga pinakamaimpluwensyang tao sa mundo," wika ng PAMALAKAYA sa panayam ng Philstar.com ngayong Huwebes.
"[P]ara sa mga mangingisdang patuloy na inaagawan ng China ng pook-pangisdaan at binabagabag ng papalaking pwersang-militar ng U.S. sa West Philippine Sea, si Marcos Jr. ay isa lamang sa mga nagdaang Pangulo ng bansa na walang paninindigan para sa pambansang teritoryo at kasarinlan."
Pagtataya ng progresibong grupo, malamang ay naging malakas na batayan daw ang pagpapatibay ni Marcos sa "dominasyon ng Estados Unidos" sa aspetong militar, ekonomiya at kalakalan kung bakit nabigyan ng pagkilala.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang magpatawag ng "trilateral summit" si US President Joe Biden kasama sina Marcos, Japanese Prime Minister Fumio Kishida atbp. para talakayin ang ilang strategic at military issues.
Ayon naman kay Mong Palatino, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), napabilang si Marcos sa listahan dahil sa "mali at nakakahiyang dahilan."
"He was praised for being a stooge of the US government. He 'elevated the Philippines in the world stage' through junket and lavish foreign trips," paliwanag ni Palatino.
"Of course, the government and state trolls will highlight that he is in the global list of influential people, but not the accompanying article mentioning the lingering abuses under his presidency."
- Latest