^

Bansa

LTFRB itinangging nakaparalisa April 15 tigil-pasada vs PUVMP

James Relativo - Philstar.com
LTFRB itinangging nakaparalisa April 15 tigil-pasada vs PUVMP
People join a protest caravan to oppose the government’s jeepney modernisation plan, in Manila on April 15, 2024.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng gobyenong naparalisa ng tigil-pasada kontra jeepney phase out at  April 30 "consolidation deadline" ang sektor ng transportasyon nitog Lunes — taliwas sa pahayag ng PISTON na umabot ito sa 80% sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz III kahapon, kalahating buwan bago bawalang pumasada ang mga jeep at UV Express na bigong makapasok sa mga kooperatiba o korporasyon.

"Kung ang pagbabasehan po ngayon is iyong routinary traffic po, tuluy-tuloy po ang traffic, tuluy-tuloy po ang pagsakay ng mga pasahero, wala pong mahabang pila," wika ni Guadiz sa panayam ng state-run media.

Ang iprinoprotestang konsolidasyon ng PISTON at Manibela ay bahagi ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno, bagay na magtratransisyon sa tradisyunal na jeepney at UV Express patungong eco-friendly at "modern" jeepneys.

Sinasabing P2 milyong kada unit ang modern PUVs. Kinakailangang mabili ang nabanggit 27 buwan matapos ang consolidation deadline, dahilan para sabihin ng mga grupong ikalulugi ito ng mga tsuper at operator.

"Mayroon ho kaming mga tinatawag na rescue buses in partnership with [Metropolitan Manila Development Authority] and the [Department of Transportation] po na nakahanda po sa mga areas po na posibleng kapusin ng pampublikong sasakyan," dagdag ni Guadiz.

"But as of now ho, wala ho kaming makita na nangangailangan, dahil noong kami po ay naglibot sa mga key areas in Metro Manila, sapat po iyong pampublikong sasakyan."

Una nang sinabi ng Department of Transportation na maaaring kumuha ng financial assistance at subsidyo ang mga kooperatiba para ma-upgrade ang kanyang PUVs para maging "low-carbon emission," "ligtas" at "episyente."

Welga sa gitna ng 'police harassment'

Samantala, ibinalita ng PISTON na umabot sa 80% ang paralisasyn sa mga mayor na ruta sa Metro Manila kabilang ang Cavite at Laguna, ito habang umabot naman aniya ng 90% paralysis sa Bacolod City sahil sa strike.

"The government's attempts to downplay the strike's impact are futile. Stranded commuters line Commonwealth Ave and other major routes, while schools and universities have suspended classes or shifted to online, and the massive police presence thad aims to quell mobilizations only goes to show the impact of the strike," wika ng PISTON kahapon.

"PISTON asserts the strike's necessity in light of the impending April 30 franchise consolidation deadline, which threatens the livelihoods of thousands. The strike is not only justified but crucial in sending a message to Marcos administration."

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang mangyayaring extension sa April 30 deadline para sa consolidation deadline, lalo na't kailangan na raw na maipatupad nang tuluyan ng PUVMP.

Nananatiling nasa 22.32% ng PUVs units ang nananatiling hindi pa konsolidato sa ngayon, dahilan para pangambahan ng mga nagtratrabaho sa transportasyon ang idudulot ng unemployment ng deadline.

JEEPNEY PHASE OUT

LAND TRANSPORTATION AND REGULATORY BOARD

MANIBELA

PISTON

PUBLIC UTILITY VEHICLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with