^

Bansa

Mga eksperto iginiit economic Cha-cha

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga eksperto iginiit economic Cha-cha
Students, youth and other sectoral groups oppose the proposed Charter change and call for prioritizing the welfare of Filipinos during a rally outside the House of Representatives yesterday.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Iginiit ng mga eksperto ang pangangailangan na maging business-friendly ang Pilipinas at iprayoridad ang pag-amyenda sa 1987 Constitution upang makatugon sa pamantayan ng mundo at makuha ang oportunidad sa paglago ng ekonomiya.

Ginawa ng mga eksperto ang pahayag matapos lumabas ang resulta ng Pulse Asia survey na kinomisyon ng Stratbase Institute kung saan mayorya ng mga Pilipino ang pumabor sa pagtanggal ng constitutional barrier sa pagnenegos­yo ng mga dayuhan sa bansa.

Para kay Foundation for Economic Freedom (FEF) board member Gary Teves, dapat bilisan ang pag-amyenda sa Konstitusyon dahil maraming mamumuhunan ang naghahanap ng bansa kung saan sila magnenegosyo.

“If the legal framework in the Philippines is so different from the others, they might say let’s just go out to the next country,” punto ni Teves.

Iginiit din ni TradeAdvisors CEO Tony Abad ang pangangailangan na maamyendahan ang Saligang Batas upang pumasok ang mga mamumuhunan na napipigilan dahil sa outdated legal framework ng bansa.

“We can’t have a rigid, old-fashioned and very faulty Constitution in place. It’s gonna be a great disservice to the population,” sabi ni Abad.

Binigyan-diin naman ni FEF lead economist Cha Ubarra ang mga hamon na kakaharapin ng bansa kung hindi mababago ang Saligang Batas.

“What adding ‘unless otherwise provided by law’ can do is to stop the possibility of that door locking again,” sabi ni Ubarra.

Ayon kay Stratbase Institute president Dindo Manhit, mahalaga ang pamumuhunan sa pagdami ng produksyon, paglikha ng mapapasukang trabaho at mapaangat ang ekonomiya ng bansa.

Upang pumasok ang mga dayuhang pamumuhunan, sinabi ni Manhit na dapat ay maging market-friendly ang mga polisiya ng bansa bukod sa pagkakaroon ng transparent at maayos na pamamahala.

Batay sa resulta ng Pulse Asia noong Marso 6-10, nakararaming Pilipino ang naniniwala na ang pag-alis ng restrictive economic provisions sa pamumuhunan ng mga dayuhan ay makabubuti sa bansa.

FEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with