^

Bansa

Marcos: Walang extension sa April 30 PUVMP consolidation deadline

James Relativo - Philstar.com
Marcos: Walang extension sa April 30 PUVMP consolidation deadline
Jeepney drivers and operators march during a protest against the jeepney modernisation program in Manila on January 16, 2024. Philippine "jeepney" drivers staged a noisy protest in the capital Manila on Tuesday over the government's nationwide plan to phase-out the smoke-belching vehicles and replace them with modern mini-buses.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Walang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. palawigin ang deadline ng franchise consolidation para sa public utility vehicle (PUV) modernization program, isang rekisitos bago i-phaseout sa kalsada ang tradisyunal na jeepney at UV Express.

Ito ang ibinahagi ni Bongbong ngayong Miyerkules sa Bagong Pilipinas Townhall meeting sa Lungsod ng San Juan matapos unang i-extend ang franchise consolidation noong Enero para sa mga operator na gustong humabol sa konsolidasyon.

"At ang kahuli-hulihan ay asahan po ninyo wala na pong extension ‘yung modernization (PUVMP). Kailangang na kailangan na natin ‘yan," wika ng presidente kanina.

"Aayusin... tinitiyak lang namin na hindi mapabigat pa ang babayaran at ang iuutang ng drayber, operator kaya’t ginagawa nating maayos at ginagawa nating well-organized ‘yung sistema na ‘yan."

Matagal nang tinututulan ng mga transport groups gaya ng PISTON at Manibela ang pwersahang konsolidasyon sa kooperatiba o korporasyon lalo na't umaabot nang hanggang P2.8 milyon ang kada unit ng modernong PUV. 15 sasakyan ang kailangan kada coop.

Bagama't ibinebenta ang ilang local modern jeepneys sa halagang P985,000 gaya ng sa Francisco Motors, mas mahal pa rin ito kaysa sa P200,000 hanggang P600,000 halaga ng tradisyunal na jeepney.

Una nang iniutos ng Land Transportation Office ang pag-i-impound ng consolidated PUVs matapos ang deadline nito, bagay na babagahe lang daw sa mga tsuper at commuter wika ng Kilusang Mayo Uno.

"Napakarami pala at hindi ko akalain na 30% ng pumapasada ay colorum pala kaya’t ipapasa ko ngayon kay [Department of Interior and Local Government] Secretary ang problema dahil ang pulis ang mag-eenforce niyan at titiyakin na may prangkisang tama, may kasama sa kooperatiba, lahat ng inyong grupo at ‘yung ibang mga transport groups, mga TODA (transport organizations), lahat ay kinikilala ang mga papasada," sabi pa ni Marcos.

"Kaya’t maraming salamat sa inyong tulong at sana ‘wag ho kayong magsawa na magsabi sa amin kung ano pa ang naiisip ninyo na maaaring gawin upang pagandahin ang sitwasyon sa trapiko."

Sinasabing nasa 190,000 UV Express, public utility jeepneys, mini-buses at buses na ang nag-avail ng konsolidasyon.

Donasyon para sa jeepney drivers

Kamakailan lang nang pasalamatan ng PISTON sina Vice Ganda matapos sumali ang hosts ng "It's Showtime" sa Family Feud Philippines dahil sa pagpili sa kanilang grupo bilang benepisyaryo.

"Maraming salamat sa It's Showtime family sa pagpili sa amin bilang beneficiary nila sa Family Feud Philippines," sabi ng PISTON noong isang araw.

"Mga kapamilya, kapuso, at ka-pasada, sama-sama nating isulong ang progresibo, makabayan, at makamasang public transport!"

 

 

Naglaro sina Vice at Jhong Hilario para sa jackpot round ngunit kinulang ng 50 puntos para makuha ang kabuuang P200,000.

Libu-libong jeepney driver at posibleng mawalan ng trabaho dahil sa phaseout ng tradisyunal na PUVs at napipintong pagpigil sa unconsolidated transport groups.

Kaugnay nito, humihingi ngayon ng donasyon ang grupong PISTON para masustena ang kanilang mga kampanya para sa mas makatarungang polisiya sa transportasyon.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

JEEPNEY PHASEOUT

MANIBELA

PISTON

PUBLIC UTILITY VEHICLES

PUV MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with